PSA, iniimbestigahan na ang napaulat na data breach sa kanilang sistema

Nagkasa na ng imbestigasyon ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa napaulat na data breach sa kanilang sistema. Ayon sa PSA, agad nitong inactivate ang kanilang Data Breach Response Team (DBRT) para imbestigahan ito at nakikipagtulungan na rin sa National Privacy Commission (NPC), National Computer Emergency Response Team-Philippines (NCERT-PH) ng DICT at Anti-Cybercrime Group ng Philippine… Continue reading PSA, iniimbestigahan na ang napaulat na data breach sa kanilang sistema

Anim na ahensya ng gobyerno, tinapyasan ng confidential fund

Maliban sa limang ahensya ng gobyerno na tinanggalan ng confidential fund, ay mayroong anim na iba pang kagawaran na binawasan naman ng naturang pondo. Ayon kay Appropriations Senior Vice Chair Stella Quimbo, sa kabuuang P1.23 billion confidential fund na ni-realign, P1.05 billion dito ang mula sa limang national agencies na tinaggalan ng CF. Ito ang… Continue reading Anim na ahensya ng gobyerno, tinapyasan ng confidential fund

Informal settlers na apektado ng PNR South Long Haul Project sa Candelaria, Quezon, binigyan ng relocation

Ipinagmalaki ni Mayor George Suayan na positibo ang kaniyang mga kababayan sa relocation sites na iniaalok ng pamahalaan na tugon nito para sa development ng PNR South Long Haul Project mula Maynila hanggang Sorsogon. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Lucena kay Mayor Suayan, sinabi niyang bukas ang isipan ng mga taga-Candelaria at masaya ang mga… Continue reading Informal settlers na apektado ng PNR South Long Haul Project sa Candelaria, Quezon, binigyan ng relocation

Batangas solon, hiniling sa pamahalaan na magpatupad na ng mandatory repatriation sa Israel at Gaza

Pinakokonsidera ni Batangas Representative Jerville Luistro sa pamahalaan na magpatupad na ng mandatory repatriation sa mga kababayan nating Pilipino sa Israel at Gaza. Sa ikinasang briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs tungkol sa sitwasyon sa Israel, sinabi ni Luistro na kung pagbabatayan ang international news reports ay masasabi na ang mga pag-atake ay… Continue reading Batangas solon, hiniling sa pamahalaan na magpatupad na ng mandatory repatriation sa Israel at Gaza

Pilipinas, mahigpit na binabantayan ang presyo ng langis sa world market sa gitna ng  posibleng ‘supply disruption’ bunsod ng tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas

Binabantayan ngayon ng gobyerno ang potensyal na epekto ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas sa ekonomiya ng Pilipinas. Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr. na minimal pa lamang ang epekto ng tensyon sa Israel sa presyo ng langis sa ngayon pero aniya posibleng magkaroon ito ng epekto sa pandaigdigang… Continue reading Pilipinas, mahigpit na binabantayan ang presyo ng langis sa world market sa gitna ng  posibleng ‘supply disruption’ bunsod ng tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas

Humanitarian workers sa Israel, dapat magkaroon ng free passage para tulungan ang mga naiipit sa gulo roon — Int’l Committe of the Red Cross

Nakahanda ang International Committee of the Red Cross (ICRC) na mag-abot ng mga kinakailangang tulong sa mga naiipit sa gulo sa Israel. Ayon kay ICRC President Mirjana Spoljaric (Miryana Spolyarich), nasaksihan na ng kanilang grupo ang sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine lalo na sa Gaza Strip at walang ibang namayani roon kundi ang… Continue reading Humanitarian workers sa Israel, dapat magkaroon ng free passage para tulungan ang mga naiipit sa gulo roon — Int’l Committe of the Red Cross

Pagkasawi ng Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib, di bunga ng pananampal ng guro nito — Antipolo Police

Kinumpirma ng Antipolo City Police Office na nailahad na ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group mula sa Kampo Crame ang resulta ng isinagawang autopsy report nito sa labi ni Francis Jay Gumikib. Ayon kay Antipolo City Chief of Police, Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, walang kaugnayan sa pananampal kay Francis Jay ng kaniyang guro sa… Continue reading Pagkasawi ng Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib, di bunga ng pananampal ng guro nito — Antipolo Police