Bicol Intercity Transport Cooperative, hindi makikilahok sa nationwide transport strike na ikinasa ng Manibela

Hindi makikilahok ang Bicol Intercity Transport Cooperative (BITCOOP) sa ikinasang nationwide tigil pasada ng grupong Manibela ngayong araw. Nagbigay pahayag ang BITCOOP na walang dapat ikabahala ang mga commuter sa rehiyon dahil tuloy ang biyahe ng mga pampasaherong jeep, bus at AUV ngayong araw. Anila, nanatiling pangunahing layunin ng BITCOOP ang magbigay serbisyo na maihatid… Continue reading Bicol Intercity Transport Cooperative, hindi makikilahok sa nationwide transport strike na ikinasa ng Manibela

Iba’t ibang iregularidad sa Sitio Kapihan, natuklasan ng mga senador

Ibinahagi ni Senador Risa Hontiveros na mas malala pa sa inaasahan ang natuklasan nilang sitwasyon sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kung saan naninirahan ang mga miyembro ng sinasabing kulto ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI). Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng naging occular inspection sa lugar ng Senate Committee on… Continue reading Iba’t ibang iregularidad sa Sitio Kapihan, natuklasan ng mga senador

SAMASAMA 2023 Exercise, matagumpay na nagtapos

Natamo ang lahat ng “training objectives” sa isinagawang SAMASAMA 2023 Exercise sa pagitan ng Philippine Navy at US Navy na nagpahusay ng interoperability, kapabilidad, at kahandaan ng dalawang pwersa. Ito ang idineklara ni Naval Forces Southern Luzon Commander, Commodore Joe Anthony Orbe, na siyang Officer Conducting the Exercise, nang pormal niyang isara ang taunang bilateral… Continue reading SAMASAMA 2023 Exercise, matagumpay na nagtapos

Kaso ng pagpatay sa OFW na si Marjorette Garcia, mahigpit na tututukan ng DMW

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa naulilang pamilya ni Marjorette Garcia na mahigpit nilang tututukan ang kaso nito. Iyan ang binigyang-diin ni DMW Officer-In-Charge, Undersecretary Hans Leo Cacdac makaraang bumisita ito sa burol ni Marjorette sa Pangasinan kasama si OWWA Chief Arnel Ignacio nitong weekend. Si Marjorette ang 32-taong gulang na OFW na… Continue reading Kaso ng pagpatay sa OFW na si Marjorette Garcia, mahigpit na tututukan ng DMW

Number Coding Scheme, mananatili — MMDA; Epekto ng nakaambang tigil-pasada, maliit lang

Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magiging maliit lamang ang epekto ng nakaambang na tigil-pasada ng ilang grupo ng transportasyon ngayong araw. Ito ang pahayag ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makaraang dumalo ito sa ipinatawag na pulong ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa mga transport group na hindi… Continue reading Number Coding Scheme, mananatili — MMDA; Epekto ng nakaambang tigil-pasada, maliit lang

Philippine Navy, pumalag sa Chinese Navy

Nag-isyu ng challenge ang BRP Benguet (LS507) sa People’s Liberation Army Navy Ship 621 (PLAN 621) matapos magtangka ang barko ng China na tumawid sa harapan nito. Ang insidente, kung saan 350 metro ang naging pinakamalapit na distansya ng dalawang barko, ay nangyari sa layong 5.8 Nautical Miles sa timog-kanluran ng Pag-asa Island nitong Biyernes… Continue reading Philippine Navy, pumalag sa Chinese Navy