Indibidwal kabilang ang 2 isang-taong-gulang na bata sa Davao City, nakaranas ng pagsusuka; food poisoning, pinaghihinalaan

Nakaranas ng pagsusuka ang 11 mga indibidwal na kinabibilangan ng dalawang isang-taong gulang na mga bata dahil sa pinaghihinalaang food poisoning sa Sitio Matigsalog, Barangay Marilog Proper, Marilog District, Davao City, Lunes ng gabi, Oktubre 16, 2023. Sa report na nilabas ng Davao City Police Office (DCPO), bandang alas 7:30 kagabi nung mangyari ang insidente… Continue reading Indibidwal kabilang ang 2 isang-taong-gulang na bata sa Davao City, nakaranas ng pagsusuka; food poisoning, pinaghihinalaan

Lalaki, arestado sa Aurora Blvd. matapos mahulihan ng isang kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana

Isang lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nang makumpiskahan ng tinatayang isang kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana kaninang madaling araw. Sa ulat ng QCPD, naaresto ang suspek na kinilalang si Denzel Ethan Kyte Baller Mejia dakong alas-4:05 ng madaling araw sa COMELEC Checkpoint ng Police Station 9… Continue reading Lalaki, arestado sa Aurora Blvd. matapos mahulihan ng isang kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana

Iba pang sangkot sa hazing na ikinasawi ng isang 4th year Criminology student, pinasusuko ng QCPD

Hinimok na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga sangkot sa pagkasawi ng 4th year Criminology student na si Ahldryn Bravante na lumitaw na at sumuko sa Pulisya. Ayon kay QCPD Spokesperson Lieutenant Colonel May Genio, bukod kasi sa apat na nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ay mayroon pa… Continue reading Iba pang sangkot sa hazing na ikinasawi ng isang 4th year Criminology student, pinasusuko ng QCPD

Party-list solon, nagpasalamat sa ipinakitang suporta at pagtatanggol ng liderato ng Kamara

Malaki ang pasasalamat ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa ipinakitang suporta sa kaniya ng liderato ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez. Nitong weekend nang maglabas ng joint statement ang political party leaders sa Kamara para kondenahin ang ginawang paninira at pananakot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte… Continue reading Party-list solon, nagpasalamat sa ipinakitang suporta at pagtatanggol ng liderato ng Kamara

Pekeng LTO enforcer na nangingikil sa mga motorista sa Cubao, pinasasampahan na ng kaso

Iniutos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa isang lalaking nagpapanggap na enforcer ng ahensya at nangingikil ng pera sa mga motorista sa Cubao, Quezon City.  Sa isang pahayag, hinikayat ng LTO chief ang iba pang nabiktima ng suspek na kinilalang si… Continue reading Pekeng LTO enforcer na nangingikil sa mga motorista sa Cubao, pinasasampahan na ng kaso

Isang 4th year Criminology student, patay sa hazing

Isang 4th year Criminology student ng Philippine College of Criminology ang patay dahil umano sa hazing ng isang fraternity kahapon. Batay sa spot report, kinilala ang biktimang si Ahldryn Leary Bravante, 26 taong gulang at taga-Imus, Cavite na nasawi matapos umanong sumailalim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi PCCR chapter na isinagawa sa isang… Continue reading Isang 4th year Criminology student, patay sa hazing

The Great Philippine Overland LOOP, bumisita sa lalawigan ng Pangasinan

Malugod na tinanggap ng lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) ang mga kalahok ng The Great Philippine Overland LOOP noong Oktubre 14. Bahagi ito ng kanilang epic-20-day overland adventure na umikot sa Pilipinas mula Setyembre 24 hanggang Oktubre 13. Sinasaklaw ng naturang adventure ang humigit-kumulang 6,500 kilometro, na… Continue reading The Great Philippine Overland LOOP, bumisita sa lalawigan ng Pangasinan

DICT, may persons of interest na sa likod ng pag-hack sa website ng Kamara

May natukoy nang persons of interest ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na posibleng nasa likod ng insidente ng pag-hack sa website ng House of Representatives (HOR) nitong Linggo, October 15. Ito ang kinumpirma ni DICT Assistant Secretary Renato Paraiso kasunod ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng ahensya sa insidente. “As not to hamper… Continue reading DICT, may persons of interest na sa likod ng pag-hack sa website ng Kamara

Klase sa Caloocan at Malabon, balik face-to-face na

Balik na sa face-to-face setup ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Caloocan at Malabon ngayong araw, October 17, 2023. Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ng Schools Division Office (SDO) sa dalawang lungsod. Una nang kinumpirma ng Caloocan Police na hindi naramdaman sa lungsod ang transport… Continue reading Klase sa Caloocan at Malabon, balik face-to-face na

Transport strike ng Manibela sa QC, generally peaceful — QCPD

Nagtapos ng maayos at mapayapa ang ikinasang transport strike ng grupong Manibela nitong Lunes, October 16, ayon sa assessment ng Quezon City Police District (QCPD). Matapos ang monitoring ng QCPD, wala itong naiulat na anumang transport strike-related violence o incident sa buong lungsod. Ayon sa QCPD, bunsod ito ng pinaigting na presensya ng mga tauhan… Continue reading Transport strike ng Manibela sa QC, generally peaceful — QCPD