PNP Chief Acorda, pinangunahan ang turnover sa mga asset at equipment ng PRO-1 kasabay ng kanyang pagbisita sa La Union

Inaasahang lalo pang gaganda ang serbisyong ihahatid ng Police Regional Office (PRO)-1 sa mga mamamayan sa Rehiyon Uno sa mga darating na araw. Ito’y matapos makatanggap ang PRO-1 ng mga mobility assets at Internal Security Operations Equipment kasabay ng pagdiriwang ng 122nd Police Service Anniversary. Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Benjamin C. Acorda, Jr. ang… Continue reading PNP Chief Acorda, pinangunahan ang turnover sa mga asset at equipment ng PRO-1 kasabay ng kanyang pagbisita sa La Union

Labi ng dalawang OFW na magkahiwalay na nasawi sa Israel at Lebanon, nakauwi na ng bansa

Nakalapag na ngayong hapon ang labi ng dalawang Overseas Filipino Worker na nasawi mula sa mga bansang Israel at Jordan. Bandang 3:00 ng hapon lumapag ang eroplanong sinasakyan ng Pilipinang household service worker na pinatay sa Amman, Jordan. Sinalubong ng mga kapamag-anak ng nasabing OFW ang labi nito kasama ang mga kawani mula sa DMW… Continue reading Labi ng dalawang OFW na magkahiwalay na nasawi sa Israel at Lebanon, nakauwi na ng bansa

Ban sa deployment ng Pilipinas ng mga manggagawa sa Kuwait, wawakasan na ayon kay PBBM

Tatapusin na ng pamahalaang Pilipinas ang ban sa pagpapadala ng manggagawang Pinoy sa bansang Kuwait. Binanggit ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang arrival speech matapos ang matagumpay na biyahe nito sa Saudi Arabia. Ayon sa Pangulo, ang pasiyang tapusin na ang ilang buwan na ding hindi pagpapadala ng Pinoy workers sa Kuwait… Continue reading Ban sa deployment ng Pilipinas ng mga manggagawa sa Kuwait, wawakasan na ayon kay PBBM

Pag-resolba sa labor issue sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas, siniguro ng Kuwait Crown Prince kay Pangulong Marcos Jr.

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mari-resolba ng Kuwait at Pilipinas ang usapin nito sa paggawa, kasunod ng naging bilateral meeting ng pangulo sa crown prince ng Kuwait sa sidelines ng ASEAN – GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia. Kung matatandaan, sinuspinde ng Kuwait ang pagi-issue ng entry at work Visa sa mga… Continue reading Pag-resolba sa labor issue sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas, siniguro ng Kuwait Crown Prince kay Pangulong Marcos Jr.

Labi ng isang OFW na pinatay sa Amman, Jordan, nakatakdang iuwi sa bansa

Maliban sa isang caregiver OFW mula Israel na napaslang ng grupong Hamas, isa pang Pilipinang household service worker na pinatay sa Amman, Jordan noong nakaraang linggo ay nakatakda ring iuwi sa bansa ngayong Sabado. Sinasabing ang OFW ay iniulat na nawawala ng kanyang pamilya sa Migrant Workers Office sa Amman, Jordan (MWO-Amman) noong Oktubre 12,… Continue reading Labi ng isang OFW na pinatay sa Amman, Jordan, nakatakdang iuwi sa bansa

Cebu City Council, hinikayat ang pulisya sa Cebu City na magtalaga ng Vote Buying Help Desk

Hinihikayat ng Cebu City Council ang Cebu City Police Office na maglagay ng help desk sa kanilang mga istasyon upang magsilbing sumbongan sa pamimili ng boto o vote buying kaugnay 2023 Barangay at Sannguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay Cebu City Councilor Rey Gealon na siyang may-akda ng resolusyon kaugnay sa paglalagay ng anti-vote buying… Continue reading Cebu City Council, hinikayat ang pulisya sa Cebu City na magtalaga ng Vote Buying Help Desk

Labi ng isa sa mga nasawing OFW sa Israel, nakatakdang iuwi ngayong araw sa Pilipinas ayon sa DMW

Nakatakdang dumating ngayong araw ang mga mga labi ng isang OFW caregiver na pinatay ng mga teroristang Hamas sa simula ng nangyaring Israel-Gaza conflict. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang nasabing caregiver ay isa sa apat na OFW na kumpirmadong nasawi sa simula ng mga pag-atake ng Hamas sa timog Israel noong ika-7… Continue reading Labi ng isa sa mga nasawing OFW sa Israel, nakatakdang iuwi ngayong araw sa Pilipinas ayon sa DMW

Mga naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban, umabot na sa higit 1.6 libo -PNP

Pumalo na sa 1,615 ang mga indibidwal na dinakip ng Philippine National Police (PNP) nang dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban sa bansa. Ito’y sa gitna ng kampanya ng pulisya habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023. Batay sa datos na inilabas ni PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo,… Continue reading Mga naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban, umabot na sa higit 1.6 libo -PNP

DILG, nagpaalala sa mga LGU na maging non-partisan sa BSKE

Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units na maging non-partisan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ipinaalala ni DILG Assistant Director Izza Marie Lurio, ang tagubilin ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa mga alkalde na iwasan na may pinapanigang kandidato. Binalaan din ni Lurio ang mga… Continue reading DILG, nagpaalala sa mga LGU na maging non-partisan sa BSKE

Special Financial Assistance ng OWWA ipapaabot sa mga OFW na lubhang naapektuhan ng kaguluhan sa Israel

Ipinaabot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Israel at ng Philippine Embassy in Israel ang inilaang tulong pinansyal para sa mga OFW na lubhang naapektuhan ng pag-atake ng grupong Hamas sa bansang Israel. Ayon sa OWWA, maaaring mag-apply ng Special Financial Assistance kung kayo ay OFW na ang tirahan o worksite ay nasa mga… Continue reading Special Financial Assistance ng OWWA ipapaabot sa mga OFW na lubhang naapektuhan ng kaguluhan sa Israel