DILG Sec. Abalos, nagbabala sa mga kandidatong magtatangkang mamili ng boto sa e-payment platforms

Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga kumakandidato ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections na huwag nang tangkaing bumili ng boto sa pamamagitan ng e-payment platforms. Kasunod ito ng pag-aalala ng publiko sa plano ng ilang mga kandidato na manalo sa pamamagitan ng vote buying. Ayon… Continue reading DILG Sec. Abalos, nagbabala sa mga kandidatong magtatangkang mamili ng boto sa e-payment platforms

Deputy Chief of Mission ng China, kinastigo ng DFA kasunod ng panibagong insidente sa West Philippine Sea

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagganap nito sa kanilang mandato na protektahan at itaguyod ang legal maritime entitlement ng Pilipinas. Ito’y ayon sa DFA kasunod ng panibagong insidente sa West Philippine Sea nang banggain ng mga barko ng China Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng re-supply mission sa… Continue reading Deputy Chief of Mission ng China, kinastigo ng DFA kasunod ng panibagong insidente sa West Philippine Sea

Isinagawang forum hinggil sa iba’t ibang aspeto ng kalusugan sa bayan ng Lingayen, Pangasinan, nilahukan ng mga mag-aaral mula sa pinakamalaking unibersidad sa lalawigan

Naging matagumpay at makabuluhan ang ginawang forum para sa ilang mga mag-aaral mula sa Pangasinan State University ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bayan ng Lingayen. Sa nabanggit na programa, na tinaguriang “Kalangweran: Manserbi tan Manuley” at pinangunahan ni Lingayen MSWD Officer Lorenza Decena, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral upang magkaroon… Continue reading Isinagawang forum hinggil sa iba’t ibang aspeto ng kalusugan sa bayan ng Lingayen, Pangasinan, nilahukan ng mga mag-aaral mula sa pinakamalaking unibersidad sa lalawigan

Ms. ROTC Philippines, kinoronahan kagabi sa beauty pageant ng ROTC Games 2023

Kinoronahan bilang Miss ROTC (Reserve Officer Training Corps) Philippines 2023 si Cadette Angel Brahms Bernaldez ng Bicol University sa ilalim ng 5th Regional Community Defense Group (5RCDG) ng Philippine Army. Ito’y sa isinagawang coronation night ng National Finals ng beauty pageant na bahagi ng ROTC Games 2023 sa Cuneta Astrodome, Pasay City, kagabi. Kasama sa… Continue reading Ms. ROTC Philippines, kinoronahan kagabi sa beauty pageant ng ROTC Games 2023

Seguridad ng mga guro na gaganap bilang Board of Election Inspectors para sa BSK Elections, tiniyak ng PNP

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na kanilang ipagtatanggol at itataguyod ang kaligtasan gayundin ang kapakanan ng mga guro na magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa October 30. Ito ang binigyang-diin ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. kasunod na rin ng panawagan ng Department of Education (DepEd) na tiyaking ligtas… Continue reading Seguridad ng mga guro na gaganap bilang Board of Election Inspectors para sa BSK Elections, tiniyak ng PNP

Pagbaba ng election-related incidents sa BSKE kumpara sa mga nakalipas na eleksyon, inaasahan ng PNP

Umaasa si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na magiging mas mababa ang bilang ng Election-Related Incidents (ERI) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kumpara sa mga nakalipas na halalan. Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, sinabi ng PNP chief na sa ngayon ay 22 na ang kumpirmadong ERI. Malaki… Continue reading Pagbaba ng election-related incidents sa BSKE kumpara sa mga nakalipas na eleksyon, inaasahan ng PNP