Mga senador, nanawagan sa Comelec na bumuo ng polisiya sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pangangampanya

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Commission on Elections (Comelec) na pag-aralan ang pagbuo ng polisiya tungkol sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pangangampanya. Ipinunto ni Go na maituturing na bagong pamamaraan ng pangangampanya ang AI kumpara sa tradisyunal na paraan. Binigyang diin ng senador na dahil maaaring mabago ng AI ang facial… Continue reading Mga senador, nanawagan sa Comelec na bumuo ng polisiya sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pangangampanya

Senador Francis Tolentino, sinabihan ang FDA na hindi nila pwedeng ipasa sa iba ang pagtitiyak na ligtas ang mga ASF vaccine

Iginiit ni Senador Francis Tolentino na hindi pwedeng ipasa ng Food and Drug Administration (FDA) ang repsonsibilidad sa pagtitiyak na ligtas, epektibo at de-kalidad ang mga health products sa Pilipinas. Kasama na dito ang mga pagkain, gamot, cosmetics, devices at biological sa bansa. Sinabi ito ng Tolentino sa naging pagdinig ng Senate Committee on Agriculture… Continue reading Senador Francis Tolentino, sinabihan ang FDA na hindi nila pwedeng ipasa sa iba ang pagtitiyak na ligtas ang mga ASF vaccine

Nilagdaang Sustainable Development Cooperation Framework 2024-2028 ng UN at Pilipinas, mahalaga para maabot ang development goals ng bansa — NEDA

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na makatutulong sa pag-abot ng medium at long-term development goals ng bansa ang nilagdaang Sustainable Development Cooperation Framework 2024-2028 ng United Nations at Pilipinas.  Layon ng naturang framework na tulungan ang bansa na maabot ang pagiging upper middle-income economy, at makamit ang Sustainable Development Goals pagdating ng… Continue reading Nilagdaang Sustainable Development Cooperation Framework 2024-2028 ng UN at Pilipinas, mahalaga para maabot ang development goals ng bansa — NEDA

Delegasyon ng Pilipinas sa Global Gateway Forum ng European Union, winelcome ng Finance Minister ng Luxembourg

Mainit na tinanggap ng bansang Luxembourg  ang Philippine delegation na pinangunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno. Sa courtesy meeting, tinalakay nila Sec. Diokno at Luxembourg  Minister of Finance Yuriko Backes, ang mga oportunidad upang mapalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng  physical at digital connectivity, renewable energy at sustainable finance. Ibinahagi naman ni Diokno ang magandang… Continue reading Delegasyon ng Pilipinas sa Global Gateway Forum ng European Union, winelcome ng Finance Minister ng Luxembourg

Davao City Rep. Duterte, dinipensahan ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos sampahan ng kaso

Dumipensa ngayon si Davao City Rep. Paolo Duterte matapos sampahan ng kaso sa Quezon City Court ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa Davao solon, nirerespeto niya ang karapatan ng isang indibidwal na maghain ng reklamo sa korte. Ngunit bilang public servants aniya, hindi dapat maging balat sibuyas at gamitin ang karapatan… Continue reading Davao City Rep. Duterte, dinipensahan ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos sampahan ng kaso

DSWD, kinilala ang mga huwarang pamilya sa ginanap na 4Ps National Family Day

Ginaganap ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 4Ps National Family Day 2023 sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Multipurpose Gym. Ang 4Ps National Family Day ay isang taunang pagdiriwang na naglalayong palakasin ang adbokasiya ng programa at isulong ang halaga ng kalusugan at edukasyon sa mga mahihirap na household beneficiaries.… Continue reading DSWD, kinilala ang mga huwarang pamilya sa ginanap na 4Ps National Family Day

LRT-2, pinaigting na ang seguridad para sa Barangay at SK Elections at Undas 2023

Nakaalerto na ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas 2023. Ito ay upang matiyak na makapagbibigay ng ligtas at maginhawang biyahe sa mga pasahero. Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, naka-full force na ang mga tauhan ng LRTA at tiniyak nito ang kahandaan… Continue reading LRT-2, pinaigting na ang seguridad para sa Barangay at SK Elections at Undas 2023

Bagong outpatient mental health package, inilunsad ng PhilHealth

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na bahagi na rin ng kanilang coverage ang pagbibigay ng outpatient mental health package. Ito’y makaraang selyuhan ng PhilHealth at National Center for Mental Health (NCMH) ang isang kasunduan para ibilang na ang pagbibigay ng mental health package para sa mga outpatient o hindi na kailangang i-admit… Continue reading Bagong outpatient mental health package, inilunsad ng PhilHealth

LTO, iimbestigahan ang kaso ng road accident sa Makati City

Ipinag-utos na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang pag-isyu ng show cause order laban sa may-ari ng sasakyan, na nasangkot sa isang road accident sa Makati City noong Oktubre 23. Kasabay nito ang utos sa LTO-National Capital Region na agad magsagawa ng imbestigasyon sa insidente. Ang kautusan ni Mendoza ay tugon… Continue reading LTO, iimbestigahan ang kaso ng road accident sa Makati City

VP Sara Duterte, personal na ipinaabot sa kinatawan ng Israel ang mensahe ng pakikiramay at pag-asang pagtatapos ng gulo sa nasabing bansa

Photo courtesy of VP Sara Duterte FB

Personal na ipinaabot ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang taos-pusong pakikiramay sa pamahalaan ng Israel na ngayo’y humaharap sa matinding krisis buhat sa banta ng Hamas at Hezbollah. Ito’y makaraang magsagawa ng courtesy call sa Pangalawang Pangulo si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa Pasig City. Sa isang pahayag, sinabi… Continue reading VP Sara Duterte, personal na ipinaabot sa kinatawan ng Israel ang mensahe ng pakikiramay at pag-asang pagtatapos ng gulo sa nasabing bansa