Dinala na sa Kampo Crame ngayong araw ang anim na pulis na sangkot sa pagpatay sa menor de edad na si Jemboy Baltazar sa Navotas City noong Agosto 2.
Ito’y makaraang kumpirmahin ni Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Director, P/MGen. Romeo Caramat Jr. na sumuko na ang mga ito sa Quezon Provincial Police Office sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City.
Kabilang dito sina P/EMSgt. Roberto Balais Jr; P/SSgt. Gerry Maliban; P/SSgt. Antonio Bugayong Jr; P/SSgt. Nikko Pines Esquilon;
P/Cpl. Edmard Jose Blanco at Patrolman Benedict Mangada.
Ang mga ito ayon kay Caramat ay mga dating mga nakatalaga sa Navotas City Police Station na siyang natukoy na nagsagawa ng buy-bust operations na ikinasawi ni Baltazar.
Sumuko ang anim na pulis matapos lumabas ang warrant of arrest sa kanila na inilabas ng Korte dahil sa kasong murder.
Dagdag pa ni Caramat, sumalang na sa booking process at documentation ang anim na mga suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng CIDG. | ulat ni Alvin Baltazar