7 delinquent employers sa Parañaque City, binigyan ng 15 araw para ayusin ang obligasyon sa SSS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pitong delinquent employers sa Paranaque City ang binigyan ng notice ng Social Security System (SSS) nang isagawa ang Run After Contribution Evaders (RACE) operation.

Binigyan sila ng notice of violation dahil sa non-remittance at non-production of records.

Batay sa legal assessment, umabot sa P2.7 milyon ang hindi nai-remit na contribution ng delinquent employers na nakaapekto sa humigit-kumulang 102 employee-members.

Binigyan lang ng 15 araw ang mga employer para makipag-ugnayan sa SSS upang i-settle ang kanilang mga obligasyon.

Ipinaalam din sa kanila ang tungkol sa magagamit na flexible payment options, kabilang ang contribution penalty condonation program. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us