7th Infantry Division, nagpadala na mga tropa mula sa Central Luzon para tumulong sa BSKE sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineploy ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang kanilang 72nd Division Reconnaissance Company sa Mindanao bilang pandagdag-pwersa sa 6th Infantry Division para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ang send-off ceremony sa 702nd Infantry (Defender) Brigade Headquarters sa Camp Tito Abat, Manaoag, Pangasinan kahapon ay pinangunahan ni 7ID Commander Major General Andrew D. Costelo.

Sa kanyang mensahe, binilinan ni MGen. Costelo ang mga tropa na manatiling non-partisan at tumutok sa kanilang tungkulin na suportahan ang law enforcement operations ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (COMELEC) tungo sa malaya, matapat, maayos, mapayapa at mapapagkatiwalaang eleksyon.

Bukod sa mga tropang pinadala sa Mindanao, nag-deploy na rin ang 7ID ng 1,374 tauhan at opisyal para tumulong sa PNP at COMELEC sa mga lalawigan ng Tarlac, Bataan, Zambales, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Pangasinan at Aurora.

Masayang ibinalita naman ni MGen. Costelo na bilang Joint Task Force Kaugnay Commander, wala siyang natanggap na ulat ng pangongolekta ng NPA ng permit to campaign fees sa area of responsibility ng 7ID. | ulat ni Leo Sarne

📷: 7ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us