Autopsy report kaugnay sa pagkamatay ni Francis Jay Gumikib, natapos na ng PNP Forensic Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Intracerebral Hemorrhage Edema dulot ng pagputok ng ugat at pamamaga ng utak.

Ito ang lumabas sa inisyal na pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group kasunod ng isinagawang autopsy sa labi ni Francis Jay Gumikib.

Si Francis Jay ang 15 taong gulang na estudyante ng Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City, na nasawi ilang araw matapos na makaranas ng pananakit mula sa kaniyang guro noong isang buwan.

Ayon kay PNP Forensic Group Director, Police Brigadier General Constancio Chinayog Jr., bagaman ito ang lumabas sa kanilang inisiyal na autopsy sa labi ni Francis Jay ay kinailangan pang magsagawa ng histopathological examination.

Layon nitong makumpirma kung ano nga ba ang tunay na naging sanhi ng pagkamatay ni Francis Jay batay sa kasalukuyang kondisyon nito.

Kasunod nito, sinabi naman si PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo na hindi muna nila ididetalye ang nilalaman ng nasabing ulat, dahil kailangan munang ipaalam ito sa pamilya ni Francis Jay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us