Bagong pinuno ng Southern Police District, itinalaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpatupad ng panibagong galawan sa puwesto ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa dokumentong nakuha ng Radyo Pilipinas, itinalaga ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. si Police Brigadier General Mark Pespes bilang bagong Acting District Director ng Southern Police District (SPD).

Papalitan ni Pespes bilang SPD Director si P/BGen. Rhoderick Mariano, na inilipat naman sa Office of the Chief PNP.

Magugunitang noong isang linggo lamang, isinailalim din sa balasahan ng PNP ang apat na mga opisyal nito kabilang na ang liderato ng Manila Police District.

Una nang binigyang diin ni Acorda, na walang major revamp na gagawin sa Pambansang Pulisya sa halip layon lamang ng mga ito ay para punuan ang mga mababakanteng posisyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us