Bike patrollers, ipakakalat ng San Juan City LGU sa mga sementeryo ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipakakalat ng San Juan City LGU ang kanilang mga bike patroller upang tumulong sa pagbibigay seguridad sa mga sementeryo ngayong darating na Undas.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, kaniya nang inatasan ang San Juan City Police Office para magpakalat ng bike patroller o mga pulis na gagamit ng bisikleta sa kanilang pagpapatrolya.

Ani Zamora, magsisilbing dagdag puwersa ang mga bike patroller sa mga pulis naman na nakaposte sa loob at labas ng mga sementeryo.

Partikular na tututukan nito ang mga lumalabag sa mga ordinansa gayundin sa mga ipinatutupad na panuntunan tuwing Undas.

Una rito, handa na ang San Juan LGU sa inaasahang dagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo ngayong taon dahil full operational na ang mga ito ngayong Undas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us