Nagbigay babala ang Bureau of Immigration sa repatriated OFWs mula sa bansang Israel na huwag magpasilaw sa mga trabahong alok upang makapagtrabaho muli sa ibang bansa.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ginawa nila ang naturang babala dahil target umano dito ng mga sindikato ang mga na-repatriate na mga OFW mula Israel.
Dagdag pa ni Tansingco, ang pang-engganyo umano ng mga ito ay malaking sahod at benepisyo.
Muli namang paalala ni Commissioner Tansingco sa publiko na huwag maniwala sa mga ganitong alok at hayaan ang national government na magbigay ng tulong sa kanila para muling makabalik sa kani-kanilang trabaho.
Dagdag pa nito, may mga livelihood assistance ang pamahalaan upang magkaroon ng kabuhayan ang mga na-repatriate na OFW. | ulat ni AJ Ignacio