Campaign materials ng ilang mga kandidato sa BSKE sa Pasig City, nakitaan ng mga paglabag ng Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-ikot ngayong araw ang mga tauhan ng Pasig City Election Office para baklasin ang mga campaign material ng ilang kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK na hindi sumusunod sa panutunan ng Comelec.

Ito’y kasunod ng ginawang pag-iinspeksyon kahapon ng election team sa pangunguna ni Pasig City Election Officer, Atty. Ronaldo Santiago kung saan, may mga kandidato ang nakitaan ng paglabag.

Kanina, sinimulan ng Comelec – Pasig ang kanilang “Oplan Baklas” at pinagtatanggal ang mga campaign material ng mga pasaway na kandidato na hindi sumusunod sa itinakdang panuntunan.

Sa pag-iikot naman ng Radyo Pilipinas, bagaman maraming sumusunod at naglalagay ng kanilang campaign materials sa common poster area, may ilan na nagpapaskil sa mga poste ng kuryente habang ang iba ay sama-sama sa isang tarpaulin.

May iba pa na lagpas na sa itinakdang 2×3 feet na standard na sukat na itinakda ng Comelec kaya’t malinaw na isa rin itong paglabag. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us