Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naging rekomendasyon ng Commission of Audit (COA) na isaayos ang kondisyon ng NCR warehouse nito.
Bilang tugon dito, inatasan na ni DSWD Sec. Rex Gatchalian si FO-NCR Director Michael Joseph Lorico na inspeksyunin ang warehouse pati na ang mga nakaimbak ditong relief goods.
Ayon kay DSWD spokesperson at Asec. Romel Lopez, makakaasa ang COA na tututukan ng kagawaran ang mabilis na pagsasaayos sa NCR warehouse.
“Rest assured that the DSWD management is already looking into this concern to fast-track the apply the necessary changes to improve the stockpiling, cleanliness, and condition of the NCR warehouse,” DSWD spokesperson.
Bukod dito, iniutos na rin aniya ng DSWD Chief ang pagsilip sa lahat ng relief supplies sa naturang warehouse upang matiyak na walang outdated items o expired na produkto dito.
Kasama rin sa kinukonsidera ng ahensya ang pagsasagawa ng regular na pest control at repairs sa storage facility.
Samantala, siniguro naman ng DSWD na sapat ang relief resources nito kabilang ang food packs at non-food items para sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Jenny. | ulat ni Merry Ann Bastasa