Dating LTFRB Executive Assistant na si jeff tumbado, humarap na sa nbi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humarap na ngayong araw si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Assistant Jeff Tumbado sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City.

Ito’y kaugnay sa imbestigasyon ng umano’y korupsyon sa LTFRB.

Matatandaang hindi nakasipot sa unang araw ng pagdinig ng NBI Anti-Graft Division noong Oct. 16 si Tumbado.

Kasama namang sumipot ni Tumbado sa NBI ang kanyang legal counsel.

Naghain ito ng sworn statement at nagsumite rin ng motion to dispense appearance para sa mga susunod na pagdinig ng NBI.

Una nang binawi ni Tumbado ang isinawalat na mga katiwalian sa ahensya, gayunman, tuloy pa rin ang sariling pagsisiyasat dito ng NBI sa direktiba na rin ni Justice Secretary Remulla. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us