Puspusan ang pagsasagawa ng declogging operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.
Ito ay upang linisin ang mga nakabara sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng mga pagbaha.
Ilan sa mga nalinis ng mga tauhan ng Flood Control and Sewerage Management Office ang mga basura at burak na bumabara sa mga estero at daluyan ng tubig, lalo na tuwing umuulan.
Kabilang sa mga lugar na naserbisyuhan ng MMDA ang ilang kalsada sa Malabon City, Caloocan City, Quezon City, Manila, at Pasig City.
Patuloy naman ang paalala ng MMDA sa publiko na maging responsable at disiplinado sa pagtatapon ng basura. | ulat ni Diane Lear