Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na maayos at mapayapang nairaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Puerto Princesa Pilot Elementary School sa Palawan kahapon.
Ito’y sa kabila ng ginawang panggugulo ng may anim na lalaki kahapon ng umaga sa kasagsagan ng botohan kung saan, pinagpupunit ng mga ito ang mga hindi nagamit nabalota at saka tinangay pa ang susi ng ballot box doon.
Ayon kay Regent Magbanua chairman ng Election Board sa lugar, dalawang presinto ang apektado ng ginawang iyon ng mga lalaki kung saan, nasa 133 mula sa kabuuang 342 na registered voters ang hindi nakaboto dahil sa insidente.
Sa panig naman ng DepEd, sinabi ni Undersecretary Michael Poa na masuwerteng walang nasaktan na mga guro sa insidente.
Nakarating na sa kabatiran ng Commission on Elections (COMELEC) at ng Philippine National Police (PNP) ang insidente at kasalukuyan na nila itong iniimbestigahan. | ulat ni Jaymark Dagala