Hindi pa tapos ang trabaho ng PNP sa pagtatapos ng botohan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na patuloy ang PNP sa pagpapatupad ng seguridad hanggang sa pormal na makaupo ang mga prinoklamang nagwagi sa halalan.
Sa ngayon aniya, magiging abala ang PNP sa transportasyon ng election returns sa local, provincial hanggang sa national canvassing board ng COMELEC para maiwasan ang ballot snatching.
Binabantayan rin aniya ng PNP ang post-election scenario kung saan nanggugulo ang mga kandidatong hindi matanggap ang kanilang pagkatalo.
Kaya aniya mananaliti ang full deployment ng PNP hanggang sa matapos ang lahat ng post-election activities. | ulat ni Leo Sarne