DILG, suportado ang pagsuspinde sa paniningil ng ‘pass through fees’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagsusupinde sa paniningil ng pass through fee o paniningil ng toll sa mga produkto o kargamentong ibinibiyahe.

Ito’y matapos ipasa ng Metro Manila Council (MMC) ang Resolution Number 23-15, na nagsususpinde sa paniningil ng toll sa mga ibinibiyaheng produkto.

Nagpasalamat naman si DILG Secretary Benhur Abalos sa mga Metro Manila mayor sa naturang hakbang na magkaroon ng moratorium sa paniningil ng pass through fee.

Ayon kay Abalos, napapanahon nang ipatigil ito at matagal na ring isinusulong ng DILG. Malaking tulong din aniya ito para sa ating mga kababayan.

Kaugnay nito ay magtutulungan ang DILG at Department of Trade and Industry sa pagsusumite ng report kaugnay sa compliance ng mga lokal na pamahalaan sa Executive Order 41. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us