DOT, kinilala ang ESL bilang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging makabuluhan ang isinagawang pulong ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco sa mga dayuhang stakeholder ng turismo sa Cebu City kung saan kanilang natalakay ang mga hamon at oportunidad ng English as a Second Language (ESL) sa Pilipinas.

Ang nasabing pulong ay bahagi ng listening tours ng kalihim, na layuning makakuha ng mga feedback at mungkahi mula sa iba’t ibang tourism sector upang mapabuti ang lokal na industriya ng turismo ng bansa.

Dito ibinahagi ni Sec. Frasco ang parehong mithiin nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya at ang suporta ng kalihim sa sektor ng ESL, na sinabi niyang hindi lamang isang educational endeavor bagkus kundi pati ng turismo.

Umaasa naman ang kalihim sa pakikipag-usap nito sa mga stakeholder ay magbubunga ng aktwal na pagpapatupad ng mga hakbang na lubos na susuporta sa kanilang indistriya.

Nagpasalamat din siya sa kanila sa pagiging bahagi ng pamilya ng mga stakeholder ng turismo at sa malaking ambag ng mga ito sa ekonomiya.

Ayon sa isang ulat noong 2019 ng Bonard, isang research market specialist na nakabase sa Austria, ang Pilipinas na ang ikalimang pinakamalaking tagapagbigay ng ESL sa mundo na pinagkukunan ng mga bansang kinabibilangan ng South Korea, Japan, China, Taiwan, Thailand, at ilang mga emerging markets tulad ng Vietnam, Mongolia, at Russia.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us