DOTr at UNDP, nagbigay ng e-vehicles sa ilang LGUs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ang Department of Transportation (DOTr) at United Nations Development Programme (UNDO) ng mga electric vehicle, EV charging station, at iba pang transport equipment sa mga lokal na pamahalaan ng Pasig, Baguio, Santa Rosa, at Iloilo.

Bahagi ito ng hakbang ng DOTr na isulong ang ‘low carbon urban transport systems’ sa Pilipinas.

Sa isinagawang turnover ceremony, binigyan diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang kahalagahan ng pag-adopt ng public utility vehicles sa low carbon transport upang mabawasan ang carbon emissions at epekto ng climate change.

Ayon kay Bautista, nakatuon ngayong ang DOTr sa pagtatayo ng mga transit-oriented development sa bansa na nakatutok sa low-carbon mobility.

Ang mga lokal na pamahalaan na nabigyan ng mga electric vehicle ay magiging bahagi naman ng pag-aaral sa low carbon transport systems.

Layon ng naturang proyekto na mabawasan ng mahigit 60,000 tons ang greenhouse gases sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us