Drug den sa Bulacan, sinalakay ng PDEA at PNP; 3 naaresto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bataan Provincial Police Office ang isang drug den sa Recanati Homes Quarry, Barangay Proper City of San Jose Del Monte Bulacan.

Tatlong tao ang naaresto kabilang na ang operator ng drug den, at nasamsam ang nasa P172,500 na halaga ng shabu.

Kinilala ang mga inaresto na sina Jeamwiel Cabalse Garil, 24; Jewarly Cabalse Garil, 21; at Miguel Limun Rosas, 25.

Kabilang sa nakumpiska ay anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang na 25 gramo ng shabu, sari-saring droga at mga paraphernalia, at ang buy-bust money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga nahuling drug suspects. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us