DSWD Chief, nagpasalamat sa local officials ng BARMM sa mainit na pagtanggap sa pamamahagi ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga lokal na opisyales ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa kanilang mainit na pagtanggap sa rice distribution sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Kasama ni Secretary Gatchalian si Special Assistant to the President (SAP) Secretary Anton Lagdameo sa pamamahagi ng bigas sa Bongao, Tawi-Tawi at Jolo, Sulu kahapon.

Katuwang nila dito sina Tawi-Tawi Governor Ysmael Sali at Sulu Governor Abdusakur Tan.

Ipinunto ng Kalihim na ang pamamahagi ng bigas ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang food security at magandang supply chain sa pamamagitan ng pagtugon sa mga isyu ng hoarding at smuggling.

Aniya, ang mga ipinamamahaging bigas sa 4Ps beneficiaries ay bahagi ng mahigit 42,000 sako ng smuggled rice na kinumpiska ng Bureau of Customs sa Zamboanga City noong Mayo at kalaunan ay ibinigay sa DSWD para sa distribusyon.

Pagtiyak pa ni Secretary Gatchalian na magpapatuloy ang DSWD sa pamamahagi ng bigas sa mga pamilyang higit na nangangailangan sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us