DSWD Chief, pinangunahan ang pamamahagi ng bigas sa mga residente sa Tawi-Tawi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang sapat na suplay ng pagkain sa mahihirap na sambahayan.

Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ang pamamahagi ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Bongao, Tawi-Tawi ngayong araw.

 Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 25 kilos ng premium Jasmine rice.

Bahagi pa rin ito ng nakumpiskang bigas ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Zamboanga at kalaunan ay naibigay sa DSWD.

Kasama ni Secretary Gatchalian sa pamamahagi ng bigas sina Tawi-Tawi Governor Ysmael Sali;  Vice-Governor Al Syed A. Sali at ilan pang opisyal ng DSWD. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us