DSWD, nag-inspeksyon na sa NCR warehouse kasunod ng COA report

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad nagsagawa ng inspeksyon si DSWD NCR Director Atty. Michael Joseph Lorico sa warehouse ng ahensya sa Pasay City kasunod ng lumabas na ulat ng Commission on Audit (COA) sa umano’y hindi na magandang kondisyon ng pasilidad.

Sa pagbisita ng opisyal kahapon, Oct. 5, ininspeksyon nito ang bawat sulok ng NCR warehouse at nakipag-usap rin sa mga personnel at volunteers roon.

Ayon naman kay Dir. Lorico, itinuturing nila bilang isang oportunidad ang audit finding mula sa COA para mas lalong mapahusay ang pasilidad ng ahensya.

Tiniyak naman nitong patuloy na maghahanap ng paraan ang kagawaran para mapaayos ang warehouse kahit limitado ang budget.

Kaugnay nito, kasama rin sa ginagawang hakbang ng ahensya ang pagpapaigting sa security measures sa naturang pasilidad partikular ang pagtatayo ng perimeter fence rito sa huling quarter ng 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us