DSWD, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng OFW na nasawi sa Jordan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaloob na ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng OFW na natagpuang patay sa Amman, Jordan.

Ayon sa DSWD, agad na naasikaso at naihatid ng kanilang Central Luzon Field Office ang financial aid sa pamilya ni Mary Grace Santos na mula sa Macabebe, Pampanga.

Tumanggap ang pamilya nito ng inisyal na P10,000 assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ayon pa sa DSWD, handa itong maglaan ng karagdagan pang tulong sa kaanak ni Mary Grace kabilang ang educational support sa naiwan nitong mahal sa buhay.

Unang napaulat na nawala si Mary Grace na pinaghahanap ng mga kaanak bago natagpuang wala nang buhay sa basement ng gusali kung saan siya nagtatrabaho noong October 11. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us