Naka-standby na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lahat ng regional offices nito sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2.
Ito ay upang magbigay ng tulong sa mga pamilya at indibidwal na maaaring mangailangan ng agarang tulong mula sa ahensya.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, kung sakaling ma-stranded ang ilan sa mga biyahero sa daan, nakahanda ang DSWD na magbigay ng tulong na pagkain at iba pang kinakailangang interbensyon.
Tiniyak ng DSWD na may stockpile at standby na pondo ito na nagkakahalaga ng higit P2.4 billion, na madaling gamitin sa pagtugon sa mga emergency na sitwasyon sa paggunita ng Undas. | ulat ni Rey Ferrer