DSWD Sec. Gatchalian, magtutungo ng Surigao del Norte para sa mga ipatutupad na gov’t intervention sa Socorro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Planong bumisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa lalawigan ng Surigao de Norte bukas, October 19, para tutukan ang sitwasyon sa mga miyembro ng Socorro Bayanihan Services.

Ayon sa kalihim, makikipagusap ito kay Gov. Robert Lyndon Barbers at kay Socorro Mayor Riza Rafonselle Timcang para mairollout ang iba’t ibang intervention ng pamahalaan sa naturang lugar.

Kasama rito ang healthcare at social welfare services sa komunidad, at pati na ang edukasyon ng mga kabataan.

Ayon sa kalihim, uunahin nila ang pangongolekta sa baseline data pagdating sa lagay ng kalusugan at pati na sa literacy status ng mga kabataan, at mga kababaihan sa Sitio Kapihan, sa Socorro upang matugunan ang kagyat na pangangailangan ng mga residente.

Magpapadala rin ang DSWD ng mga child expert at social worker, para magsagawa ng psychosocial analysis lalo na’t may mga nakumpirmang kaso ng ng mga batang pinaaasawa sa mas matatandang miyembro na tila normal sa paningin ng komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us