DSWD Sec. Gatchalian, namahagi ng bigas sa libu-libong residente ng Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa rin ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng libreng bigas sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ngayong araw, pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang distribusyon ng tig-25 kilo ng premium na bigas sa lalawigan ng Bulacan.

Kabilang sa nakinabang rito ang 2,000 residente mula sa Calumpit at Paombong, Bulacan.

Ang ipinamamahaging bigas ay donasyon ng Bureau of Customs sa DSWD na mula sa mga nakumpiska sa Port of Zamboanga (BOC-POZ) noong Mayo.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na maibigay ang mga bigas sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Una nang sinabi ng DSWD na target nitong palawakin pa ang distribusyon ng bigas hanggang maabot ang higit 42,000 ring pinakamahihirap na pamilya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us