DTI, hiniling sa Senado na mapondohan ang AI research center na plano ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilapit ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado ang ilan sa kanilang mga programa na hindi nabigyan ng alokasyong pondo sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP).

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng DTI para sa susunod na taon, kabilang sa mga tinukoy ng ahensya na hindi napondohan ay ang kanilang Center for Artificial Intelligence Research na tututok sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs), start-ups, at mga kumpanya na maka-adopt sa artificial intelligence at magamit sa pagpapalago ng negosyo.

Nasa P200 million ang orihinal na hininging pondo ng DTI para dito.

Pinaliwanag ni DTI Undesecretay Rafaelita Aldaba, layon sana nilang magpatayo ng isang physical center para sa mga data scientists at engineers para sa research and development tungkol sa AI.

Mayroon na rin aniya silang AI roadmap kung saan bubuo ang ahensya ng isang task force na susuporta sa pamahalaan na bumalangkas ng framework para sa tama at responsableng paggamit ng AI.

Pinagsusumite naman ni Senador Mark Villar ang listahan ng mga programa ng DTI na hindi napondohan sa ilalm ng 2024 NEP para mapag-aralan nila.

Sa huli, inaprubahan ng subcommittee ang panukalang pondo para sa DTI na P7.9 billion mula sa orihinal na hiling nito na P21 billion.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us