EDSA Roxas Boulevard, isinasailam sa rehabilitasyon at pagkukumpuni

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista!

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyon at major repair sa Roxas Boulevard EDSA Flyover Southbound at Northbound sa Pasay City.

Ito ay upang lagyan ng panibagong expansion joint ang naturang flyover na inaasahang magtatagal hanggang sa November 12.

Layon nitong kumpunihin ang nasirang expansion joint ng tulay na mahalaga sa lahat ng galaw ng bridge deck.

Kaugnay nito ay pinapayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta.

Ang mga sasakyan na patungong Northbound ay maaaring dumaan sa EDSA Flyover Service Road. At ang mga sasakyan na patungong Southbound ay maaaring dumaan sa Buendia Flyover Service Road at mag-U-turn sa Buendia papuntang Diosdado Macapagal Boulevard.

Nag-deploy naman ng mga traffic personnel ang lokal na pamahalaan ng Pasay at MMDA upang tumulong sa pagmando ng trapiko sa Roxas Boulevard EDSA Flyover. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us