Nagkaroon ng 12.5 percent na pagbaba sa bilang ng mga election-related incident (ERI) sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kumpara sa 2018 BSKE.
Sa huling datos na inilabas ng PNP as of 12AM ng Oktubre 31, 35 ang validated ERI mula sa kabuuang 237 insidenteng iniulat sa nakalipas na halalan, na mas mababa sa 40 ERI na naitala noong 2018.
Pinakamarami sa mga iniulat na ERI ay shooting incident na nasa 17, kasunod ang mauling incident na nasa 4.
Pinakamarami namang ERI ang mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nasa 13; sinundan ng CAR na may lima; at Region 10 na may apat na kaso.
Lumalabas naman sa datos, na karamihan sa mga validated ERI ay nangyari sa mga lugar na nasa green category at hindi sa inaasahan na red category.
Magkagayunman, nanindigan ang PNP na walang mali sa kanilang threat assessment. | ulat Leo Sarne