Filipino Community sa Israel, pinayuhan na palagian makipag-ugnayan sa Philippine Embassy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino ang Filipino community sa Israel lalo na ang mga OFW na palagiang makipag-ugnayan sa Philippine Embassy at Migrant Workers Office doon.

Bunsod ito ng pag-atake ng grupong Hamas sa Israel at deklarasyon ng State of War Alert ng Home Front Command.

Aniya, mayroon nang 24-7 Task Force Israel Desk ang Department of Migrant Workers at OWWA na tatanggap ng mga tawag para sa tulong ng mga OFW at kanilang pamilya kung kinakailangan.

Ang mga numerong maaaring tawagan ay:

+63 2 1348

+63 908-326-8344

+63 927-147-8186

+63 920-517-1059

Pagtitiyak pa nito sa mga Filipino Migrant Workers na nakahanda ang pamahalaan para masiguro ang kanilang kaligtasan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us