Nagsagawa ngayon ang Commission on Elections ng final testing at sealing ng mga balota at Vote-Counting Machine sa Pasong Tamo Elementary School para sa 2023 Barangay at SK Elections.
Isa ang Brgy. Pasong Tamo sa tatlong lugar sa bansa na napiling pilot area ng automated BSKE.
Pasado alas-9 ng umaga nang simulan ang final testing kung saan unang sinalang ng mga guro sa diagnostic test ang mga VCM.
Nagkaroon din ng mock elections kung saan tig-10 botante kada presinto ang bumoto at ipinasok ang mga balota sa VCM.
Present din dito ang mga watcher na sinilip ang proseso ng final testing.
Matapos ang buong proseso, sinelyuhan na ang mga VCM na bubuksan na lamang sa araw ng eleksyon.
Ang hakbang na ito ng Commission on Elections (COMELEC) ay para siguruhing maging transparent ang halalan.
Dito sa Brgy. Pasong Tamo, nasa higit 66,000 na botante ang inaasahang lalahok sa BSKE.
Mayroon itong tatlong voting centers at 133 na clustered precints. | ulat ni Merry Ann Bastasa