Itinuturing ni City Jail Warden Jail Supt. Michelle Ng Bonto na matagumpay ang botohan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa loob ng Quezon City Jail Male Dormitory kahapon.
Ayon kay Supt. Bonto, ang mataas na turn-out votes ay kinukonsidera nito bilang isang milestone achievement ng Bureau of Jail Management and Penology at ng Persons Deprived of Liberty.
Sa kabila ng pagkabigong makaboto ang 22% o 130 PDLs voters dahil sa mga kadahilanang pangkalusugan, maituturing pa ring isang all-time record high ito para sa QCJMD.
Kabuuang 456 PDL voters o 78% mula sa 586 registered PDL Voters ang matagumpay na nakaboto sa mga itinalagang special polling center sa loob ng pasilidad.
Sabi pa ni Supt Bonto, naging ligtas, maayos at payapa ang eleksyon dahil na rin sa pagtutulungan ng mga jail personnel at PDL.
Patunay din sa matagumpay na BSKE election ang collaborative partnership ng QCJMD at COMELEC gayundin ng QCPD at ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na patuloy na sumusuporta at nagbibigay ng tulong. | ulat ni Rey Ferrer