Pinangunahan ngayong umaga ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner at Armed Forces and Police Savings and Loans Association, Inc. (AFPSLAI) Chief Executive Officer and President Retired VAdm Gaudencio Collado Jr ang groundbreaking ceremony ng itatayong modular transient facility project sa Camp Aguinaldo.
Ang proyekto na bahagi ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ng dalawang opisyal ngayong ding araw, ay magsisilbing pansamantalang tuluyan ng mga AFP personnel na bumibisita sa Camp Aguinaldo.
Sa kanyang mensahe, malugod na tinanggap ni Gen. Brawner ang huling kolaborasyon ng AFP at AFPSLAI, kasabay ng pagpapasalamat sa organisasyon sa kanilang pagpapahalaga sa kapakanan ng mga sundalo.
Kinilala din ni Gen. Brawner si dating AFP Chief General Andres Centino na unang nagsulong ng proyekto, sa kanyang paniniwala na tungkulin ng AFP na pagkalooban ng de-kalidad na tirahan ang mga sundalo. | ulat ni Leo Sarne
📷 Sgt Ambay/PAO, AFP