Higit 100 tauhan ng AFP WesMinCom na sumailalim sa random drug test, pasado lahat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WesMinCom) Commander Major General Steve Crespillo na nakamit nila ang drug-free organization matapos na walang nagpositibo sa paggamit ng ilIgal na droga sa kanilang mga tauhan.

Ito’y matapos na sumailalim sa random drug test ang 134 personnel ng WesMinCom.

Ito ay pagtalima sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kung saan mahigpit na ipinatutupad ng Sandatahang Lakas ang random drug testing sa lahat ng unit nito.

Ayon kay MGen. Crespillo, mahalaga bilang public servants na mapanatili nila ang mataas na antas ng propesyonalismo at disiplina sa lahat ng oras.

Tiniyak pa ni MGen Crespillo na magpapatuloy ang suporta nila sa kampanya kontra ilIgal na droga ng gobyerno. | ulat ni Leo Sarne

đŸ“·: WESMINCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us