Higit 1,500 personnel, ide-deploy sa NLEX para sa BSKE at Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdagdag ng mga tauhan ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) bilang paghahanda sa inaasahang bugso ng mga motoristang bibiyahe para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections gayundin ang Undas.

Kasabay ng pagpapatupad nito ng “Safe Trip Mo Sagot Ko” motorist assistance program, nasa 1,500 patrol crews, traffic marshals, security teams, toll, at system personnel ang ipakakalat sa buong Expressway.

Ito ay upang masiguro na matutugunan ang inaasahang mas malaking traffic volume mula Biyernes.

Kasama rin sa ide-deploy ang emergency medical services at incident response teams sa ilang strategic areas.

Samantala, suspendido na rin simula sa Biyernes ang mga road repair sa NLEX bilang paghahanda sa buhos ng mga motorista.

Hinihikayat naman ang mga motoristang dadaan sa NLEX na bumiyahe sa non-peak hours upang maiwasan ang mahabang trapiko at delay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us