Higit 40,000 katao, inaasahang bibisita sa Bagbag Public Cemetery ngayong undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ng Quezon City local government na mas marami ang dadagsa sa mga pampublikong sementeryo sa lungsod ngayong taon kumpara noong 2022.

Sa QC Journalists Forum, sinabi ni Civil Registry Admin Head Atty. Paolo Brillantes na kasama sa binabantayan ng pamahalaang lungsod ang Bagbag Public Cemetery na isa sa pinakamalaking sementeryo at may nakalibing na 113,000.

Ayon kay Brillantes, posibleng malagpasan ngayong taon ang higit 41,000 na bumisita sa naturang sementeryo noong 2022 lalo ngayong mas maluwag na ang mga restriksyon at papayagan na ring bumisita maging ang mga bata at senior citizens.

Sa kabila nito, tiniyak ni Brillantes na patuloy pa ring paiiralin ang mahigpit na seguridad sa loob ng sementeryo at ipagbabawal pa rin ang pananatili rito ng 24 oras.

Sa Bagbag Cemetery, papayagan lang ang mga bisita na dumalaw sa sementeryo mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Samantala, bukod sa Bagbag Cemetery, kasama rin sa tinututukan ng LGU sa Oplan Kaluluwa ang Novaliches Cemetery at sa Baesa Columbary. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us