Higit P2.6 million halaga ng marijuana plantation, nadikskubre sa Benguet – PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinira at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang marijuana plantation sa Barangay Tacadang, Benguet.

Ayon kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, humigit-kumulang sa 13,200 puno ng fully grown marijuana plants ang nadiskubre sa lugar na nagkakahalaga ng P2.640 million.

May nakuha din ang PDEA na 1,000 piraso ng marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P40,000.

Bukod dito, natunton din ng PDEA Regional Office 1 at PDEA Cordillera ang isa pang marijuana plantation sa parehong barangay na may kabuuang halaga na P7.5 milyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us