Iba’t ibang unit ng MMDA, kumikilos na para sa Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalatag na ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa Undas 2023.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, kumikilos na ang kanilang iba’t ibang unit para sa kanilang ‘Oplan Undas’ para sa taong ito.

Sinabi ni Artes, maglalatag ng Public Assistance Centers tent ang kanilang Road Emergency Group sa mga pangunahing himlayan o sementeryo sa Metro Manila at may naka-standby ding ambulansya.

Habang nakatoka naman sa paglilinis ng mga sagabal sa lansangan sa paligid ng mga sementeryo ang Metro Parkway Clearing Group ng MMDA.

Ang motorcycle units naman ng MMDA, nakatutok sa pag-iikot sa mga lansangan sa paligid ng mga sementeryo para tiyakin ang maluwag na daloy ng mga sasakyan.

Habang ang mga nakahambalang na mga sasakyan sa paligid ng mga sementeryo ang siyang tututukan ng Towing and Impounding Group.

Nabatid na aabot sa mahigit 1,400 mga tauhan ng MMDA ang ipakakalat sa nasabing okasyon kung saan, ipatutupad din ang No Leave, No Absent policy para makatulong sa pag-alalay ng publiko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us