Idinaos na BSKE sa BARMM, matagumpay sa kabila ng naitalang insidente ng karahasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na matagumpay at mapayapa sa pangkabuuan ang naganap na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahapon, sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ayon kay BARMM Spokesperson Naguib Sinarimbo ay kahit pa nakapagtala ng violent incidents sa rehiyon habang isinasagawa ang botohan kahapon (October 30). 

Kabilang na dito ang naitalang insidente ng pagsunog sa mga paaralan sa Barira at Datu Odin Sinsuat. Kabilang rin ang barilan ng magkapatid na tumakbo bilang brgy. captain sa Butig, Lanao del Sur kung saan isa sa mga ito ang nasawi.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ng opisyal na mababa ang bilang ng mga naitalang insidente sa rehiyon para sa 2023 BSKE.

Bukod dito, wala rin namang naitalang failure of election at sa 2,592 na mga barangay sa rehiyon, halos kalahati dito hindi rin naman aniya contested. 

Katunayan ayon sa opisyal, mayroon nang mga nanalo ang naiproklama na kagabi pa lamang, habang nagpapatuloy pa ang ginagawang proklamasyon sa mga nagwaging kandidato.

“So far naman po, tuluy-tuloy lang ho iyong work ng Commission on Elections doon sa proclamation, doon sa mga winning candidates.” —Atty. Naguib. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us