Ikinasang tigil-pasada ng ilang grupong pang-transportasyon, hindi ramdam —MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pangkalahatang naging mapayapa ang sitwasyon sa buong National Capital Region o NCR kasunod ng ikinasang tigil-pasada ng ilang transport group.

Ito ang pagtaya ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA batay sa kanilang 11am update na kinalap mula sa kanilang mga tauhan sa field.

Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, wala naman silang na-monitor na lugar sa Metro Manila na labis na naparalisa ng transport strike.

Gayunman, nakahanda ang kanilang mga asset na ipakalat sa mga lugar na maaapektuhan ng tigil-pasada sakaling kailanganin kahit gaano pa ito magtagal.

Kasunod nito, ipinaliwanag naman ni Artes na kaya sila hindi nagsuspinde ng number coding ngayong araw ay upang masigurong magiging maayos pa rin ang daloy ng trapiko sa mga lansangan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us