Ilang kumpanya ng langis, naglabas ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang ilang mga kumpanya ng langis ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, October 10.

Simula bukas ng alas-6 ng umaga, magpapatupad ang kumpanyang Philippines Shell, Sea Oil at Petro Gazz ng ₱3.50 na rollback sa kada litro ng gasolina habang ₱2.45 ang ibababa sa kada litro ng diesel habang ₱3.00 naman sa kada litro ng kerosene.

Samantala, mamayang 12:01 ng hatinggabi, ipapatupad ng Clean Fuel ang kaparehong halaga ng rollback.

Ang oil price increase ay bunsod pa rin ng pagbabago-bago ng presyo sa pandaigdang merkado. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us