Nagpatupad ng balasahan ngayong araw sa ilang opisyal ng Philippine National Police o PNP.
Alinsunod sa direktiba ni PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr, itinalaga nito si P/BGen. Kenneth Lucas bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office 4A o CALABARZON.
Pinalitan ni Lucas si P/BGen. Carlito Gaces na nakatakda nang magretiro sa buwang ito.
Papalit kay Lucas sa Firearms and Explosives Office o FEO si P/BGen. Roger Quesada.
Habang itinalaga naman bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office 10 o Northern Mindanao si P/BGen. Ricardo Layug.
Itinalaga naman si P/Col. Florendo Gerdan Jr bilang Officer-In-Charge ng PNP Engineering Service.
Epektibo ang naturang balasahan ngayong araw Oktubre 2. | ulat ni Jaymark Dagala