Incident report sa nangyaring pananakit ng isang guro sa kaniyang estudyante sa Antipolo City, ikinakasa na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihahanda na ng Antipolo Division of City Schools ang isusumite nilang ulat sa Department of Education o DepEd Central Office.

Ito’y may kaugnayan sa kaso ng pananakit ng isang guro sa kaniyang grade 5 pupil na nagresulta sa pagkasawi nito

Ayon kay Atty. Kelvin Matib, Child Protection Specialist ng Antipolo City Schools Division, sa ngayon ay patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng Kagawaran hinggil sa insidente.

Gayunman, tumanggi muna si Atty. Matib na magbigay ng iba pang detalye hinggil dito dahil napapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso

Tiniyak naman ng opisyal na patuloy nilang tinututukan ang kaso at gagawa ng kaukulang aksyon sakaling matapos na ang ginagawa nilang imbestigasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us