Insidente ng hazing na ikinasawi ng estudyanteng si Ahldryn Bravante, kinondena ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ng Quezon City Government ang nangyaring hazing sa lungsod na nagresulta sa pagkasawi ng criminology student na si Ahldryn Bravante.

Batay sa imbestigasyon ng QCPD, naganap ang initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity sa isang abandonadong gusali sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City.

Sa isang pahayag, sinabi ng QC LGU na hindi dapat maging batayan ng katapatan at kapatiran ang pananakit sa kapwa na maaaring magdulot ng permanenteng pinsala o humantong sa kamatayan.

“Once again, this incident demonstrates that hazing is a life-threatening practice that violates the principles of human dignity. Physical harm and violence through hazing and other initiation rites should be abhorred and condemned in accordance with RA 11054 or the Anti-Hazing Act of 2018.”

Pagtitiyak ng LGU, makikipagtulungan ito sa QCPD para masigurong mapanagot ang mga sangkot sa insidente

Kasabay nito, nagpaabot rin ng pakikiramay ang LGU sa pamilya at mga kaibigan ng nasawi. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us