Ipinagdiwang kahapon sa Barangay Tuael sa bayan ng Pres. Roxas, Cotabato Province ang Indigenous Peoples (IP) Day bilang pakikiisa sa pambansang selebrasyon ng IP Month nitong buwan ng Oktubre.
Binisita ito ni Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) at Ex-Officio Board Member (BM) Arsenio Ampalid, bilang kinatawan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.
Sa mensahe ng gobernadora na binigkas ni BM Ampalid, ipinaabot ng governor ang mataas na pagrespeto niya sa mga IPs dahil sa kanilang katatagan sa gitna ng maraming hamon na kanilang kinakaharap bawat araw.
Hinimok ni Ampalid ang mga katulad niyang katutubo na makilahok para sa pananatili sa maganda at mayamang kultura at tradisyon ng mga tribu sa Cotabato upang mayroong maipasa para sa mga bagong henerasyon, sa kabila ng pagiging moderno ng panahon.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao