Patay ang isang barangay kagawad at ang suspek sa pamamaril na isang kasapi ng CAFGU sa Barangay Luksumbang, Lamitan sa probinsya ng Basilan kaninang hapon.
Dead on the spot ang reelectionist kagawad na kinilala bilang si Antataha Nadjuwal matapos siyang barilin ng isang CAFGU member na kinilala bilang si Euiliano Costodio Enrique na nasawi din sa insidente.
Ayon kay Lamitan City Police Chief Col. Arlan Delumpines, nagwala ang suspek na pinaniniwalaang may sakit sa pag-iisip sa labas ng presinto kung saan niya mismo binaril ang nasawing kagawad at tumama din sa punong barangay na si Jemson Cervantes.
Kahit na may tama ng baril si Cervantes ay nagawa niyang manlaban sa suspek na nagresulta ng pagkasawi nito.
Ayon kay Delumpinas, ang nasabing pangyayari ay hindi eleksyon related at isang isolated case at kinokonsidera pa rin niyang naging pangkalahatang mapayapa ang eleksyon sa kanyang area of responsibility (AOR).
Ang Election Monitoring Action Center ng PNP ay nakapagtala ngayong araw ng tatlong madugong insidente sa probinsya ng Basilan.| ulat ni Shirly Espino| RP1 Zamboanga